House Resolution 1109 (HR 1109), Nang-Onse sa taong ‘09!
June 11, 2009Sa pakikipagsabwatan ng mga alipores ni Gloria sa Kongreso at Senado ay titiyakin nilang mailarga ito ng todo-todo. Ganundin, kumpiyansa ang Administrasyong Gloria Arroyo na makakalusot ito sa Korte Suprema dahil mayorya ng mga huwes nito ay appointed niya. Sa inaasahang pagtitibay ng Korte Suprema ay magsisilbing ligal na basbas ito sa Con-Ass upang maipasok na ng mga alipores ni Gloria ang mga nais nilang pagbabago sa Konstitusyon. Malinaw na ang panukalang batas na HR 1109 ay upang maitulak ang Cha-Cha. At pangunahin na rito ang pagbabago ng gubyerno, amyendahan ito upang mapahaba ang kanyang termino at palitan ang buong sistema mula “presidential” patungong “parliamentary” na daan sa pag-upo niya bilang Prime Minister at magbibigay ng mas malakas na kapangyarihan. Kaakibat nito ang magpapadali para sa gobyerno na ideklara ang Martial Law, pagbibigay kapangyarihan sa mga dayuhan tulad ng US na magmay-ari ng mga industriya, malawak na lupain at mga likas na yaman ng bansa. Mangangahulugan ito ng patuloy na pandarambong sa kaban ng bayan, pagpapahirap sa mga maralita, panunupil at pagpapatay sa mga nais tumutol at lumaban.
Tutulan ang Con-Ass! Tutulan ang Cha-Cha! Kung sa pamamagitan ng bilang ay maipipilit ng mga alipores ni Gloria ang Con-Ass, wala ring ibang paraan para sa ating mamamayan kundi sa pamamagitan din ng libo-libong bilang ng mamamayang magkakaisa laban sa pagbabago ng Saligang Batas. Hindi natin dapat pahintulutan na mabago ang kasalukuyang umuiiral na Saligang Batas alinsunod sa kagustuhan ng Administrasyong Arroyo na paburan ang 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga lupain at negosyo sa Pilipinas.
Ito ang naging karanasan ng mga maralitang nakatira sa Taiwan, Iraq sa Ligtong 3, Rosario kung saan binili ng pabrikang Wu Kong na pag-aari ng mga Hapon at Singaporean ang lupa sa napakamurang halaga na P800/sq. meter gayong industrial lot ang klasipikasyon ng lupa. Kapag natuloy ang ChaCha, ang mga manggagawa at mamamayang nakatira sa lupa ng PNOC sa
Dagdag pa, ang mga manggagawa at maralitang nakatira sa mga Tramo sa buong probinsya ng Cavite sa mga ng bayan ng Noveleta, Rosario, Tanza at Naic na pag-aari ng PNR ay nahaharap sa banta ng demolisyon dahil sa programa ng rehabilitasyon sa mga daang-tren ng pambansang gobyerno. Ang masaklap, ang ganitong aping kalagayan ay sinasamantala ng mga lokal na pulitiko, mga indibidwal, at huwad na mga organisasyong nangangako ng pabahay upang magkapera at yumaman. Kailangang maging mapagbantay tayong manggagawa at mamamayan sa mga grupong ito na nagpapanggap na progresibo at maka-mamamayan.
Sumama at Makiisa! Tama na! Sobra na! Palayasin na si Gloria! Ang manahimik sa ating mga boarding house at tahanan sa harap ng ganitong walang kahihiyang pagpapakita ng kabuktutan at kasakiman ay pagtanggap na mananatili ang Administrasyong Gloria Arroyo at ang kanyang mga alipores ng panghabang buhay ay tapusin na. Sukdulan sa galit at sukang-suka na ang mamamayan kay Gloria. Kaisa ang mga obispo, pare, madre, mga pastor at iba pang taong simbahan laban sa imoral na Cha-Cha at si Gloria. Sama-sama nating palakasin ang panawagan na tutulan ang Cha-Cha at palayasin ang pekeng pangulo na si Gloria Arroyo. Kung ang mga alipores ni Gloria sa Kongreso ang nagtakda ng HR 1109 para sa Con-Ass at Cha-Cha, pagtutol at paglaban ng mamamayan naman ang magpapasya! Sama-sama tayo na magpo-protesta at magma-martsa sa kalsada kasabay ang ating panawagang Tama na! Sobra na! Palayasin na si Gloria!
No to House Resolution 1109!
Constituent Assembly at Cha-Cha Ibasura!
Tama na! Sobra na! Palayasin si Gloria!
Cha-Cha at Gloria Ibasura!
-Solidarity of Cavite Workers-
Hunyo 10, 2009
Posted by scw. Posted In : Con-Ass
