KONDENAHIN ANG MARAHAS NA ATAKE SA MGA MANGGAGAWA

Buong bangis na ipinalasap ng mga gwardiya ng First Cavite Industrial Estate (FCIE) sa mga manggagawang nagtitipon sa harap nito ang diumano’y INDUSTRIAL PEACE sa economic zone. Ang marahas na pambubuwag sa mapayapang pagtitipon ng mga manggagawa na karamihan ay kababaihan nitong Pebrero 26, 2009 bandang alas 5:00 ng hapon sa harap ng FCIE ay nasaksihan ng manggagawang lumalabas, tsuper, komyuters at mga vendors sa lugar.    Read full article

 

MALAWAKANG TANGGALAN SA TRABAHO SA GITNA NG PAPATINDING KRISIS PANG EKONOMIYA AT KORAPSYON SA GOBYERNO!

Tatlong daang libo o 300,000 na manggagawa – ito ang tinataya ni DoLE Secretary Marianito Roque na mawawalan ng hanapbuhay mula lamang Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan! Tinatayang aabot ito ng 11 hanggang 12 milyon sa pagtatapos ng taon. Palulubhain pa ito ng 900,000 na mga bagong graduate sa darating na Abril at karagdagang 500,000 OFW.Read full article

 

GARMENTS WORKERS DECRY LAY-OFFS, DEMAND JOB SECURITY

The Solidarity of Cavite Workers (SCW), leads workers and unions from garments and apparel factories in staging a protest rally in front of the First Cavite Industrial Estate (FCIE) in Brgy. Langkaan, Dasmariñas, Cavite on February 26, around 5:30 in the afternoon to demand for their right to job security and condemn the use of the current global crisis by company managements to implement retrenchment, forced leaves and reduced work week and to evade collective bargaining negotiations (CBN) and other labor issues. Read full article

 

GOV'T INCAPABLE TO DEAL WITH CRISIS

Workers in the Taiwanese-owned Dyna Image Corp. Phils. burst into tears when their supervisor announced on 28 January that it would lay-off by month’s end some 200 workers who had been in the company for two years and less. However, 400 workers were in shocked disbelief when they were given the pink slip when they reported for work this morning.  Dyna, located inside the Cavite Economic Zone (CEZ) manufactures contact image sensors for CCTV and cameras. Read full article

LABANAN ANG HUWAD NA SISTEMANG PANGKATARUNGAN !
IPAWALANG-BISA ANG MGA KASONG KRIMINAL!

Pahayag at Apela ni EMMANUEL "Manny" ASUNCION, Kagawad ng Konseho at Tagapagsalita ng Solidarity of Cavite Workers, Ika-30 ng Nobyembre 2008, Sa okasyon ng paggunita sa Dakilang Araw ni Gat Andres Bonifacio, dakilang lider-manggagawa at Ama ng Rebolusyong 1896. "Mula sa humahabang listahan at malalalang kaso ng mga pampulitikang pamamaslang, pagdukot at pagkawala o enforced disappearances ng mga aktibista at mga progresibo’t makabayang mga lider, ngayon naman ay pinatitindi ng Malakanyang sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice ang paglikha at pagsasampa ng mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa mamamayang nagnanais at aktibong kumikilos para sa pagpapatalsik sa mandaraya, sinungaling, korap, kontra-mahirap, inutil, at kapit-tuko sa poder ng kapangyarihan na rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo."Basahin ang kabuuang artikulo

MATINDING PANDAIGDIGANG KRISIS
MATINDING PAHIRAP SA MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN!

Dumaraan ang buong daigdig sa matinding krisis pang-ekonomya na siya nang pinakamalala sa nakaraang 80 taon. Ayon sa mga eksperto, ang krisis ay inaasahang hahantong sa isang depresyon. Ibig sabihin, titigil at tuluyang babagsak ang ekonomya ng mga kapitalistang bansa. Sa globalisadong integrasyon ng ekonomya sa daigdig, mananalasa ang krisis hanggang sa maliliit at mahihinang ekonomya na nakaasa sa kalakalan at negosyo ng mga malalaking kapitalistang bansa. Basahin ang kabuuang artikulo

Solidarity of Cavite Workers is a Cavite-wide alliance of unions and workers' organizations that promotes and upholds genuine, militant and anti-imperialist unionism.
Alyansa sumasaklaw sa mga samahan ng mga manggagawa at mga indibidwal dito sa Kabite na nagtataguyod ng tunay, militante, makabayang anti-imperyalismong unyonismo.  
Wage Order No. IVA-13.doc Wage Order No. IVA-13.doc
Size : 53 Kb
Type : doc

Links:

Workers Assistance Center

Trivial Updates

Isa sa limang empleyado ay naghahanap ng karagdagang kita. Base ito sa ulat  na  6.6 milyon underemployed sa pinakahuling survey mula sa 6.4 milyon noong nakaraang taon. Nangangahulugan na  hindi nakakasapat  ang sahod sa trabaho na gumugugol ng 40 oras o mahigit pa sa loob ng isang linggo (Ibon news, according to LFS April 2008, dated June 18, 2008)

May 23.5 milyong Filipino o sang-kapat ng kabuuang populasyon ang kumikita ng P67 o mas mababa sa isang araw.  (Ibon news, dated June 20, 2008)